08.17.06

paki-Edit

Posted in Journal at 7:50 am by erald17

(pakibasa nang mahinay…)

Nakakapagod ang buhay-estudyante. Gustung-gusto mo na matulog, di mo pa magawa kasi may kailangan pang tapusin na assignments na due sa next day. Nadito na ang sinasabing gahol sa maraming bagay - gahol sa oras, pera, lakas, at kung anu-ano pa. Salamat na lang kasi nakakasurvive at buhay pa naman, kahit ganito na maypagka-bangag na sa tuwing umaattend ng mga klase. Light-headed kung baga. Yung tipong kapag may kumakausap sa’yo, di mo na sigurado kung tama pa ba ang mga salitang napaprocess ng utak mo. Parang computer na kailangang maghybernate. Di mo na sigurado kung ang ‘oo’ mo ba ay oo nga, at ang ‘hindi’ mo ay hindi nga. Ewan ko kung maintindi mo pa ang mag-apply ng blush-on at lip gloss, kung habang nakasakay ka ng bus ay mahimbing-himbing din ang iyong pagkaidlip. Kahit papaano ay makakabawi ka ng puyat sa loob ng kalahating oras na byahe. Salamat kay manong konduktor sa tuwing papalahaw siya ng "Mga bababa ng La Salle." Dahil sa kanyang nakagigising na boses ay hindi pa naman ako napupuknat sa oras na ang bus ay sumapit na ng Alabang! Salamat din sa bagong pedestrian lane, nakadagdag ito sa pang-araw-araw kong paglalakad. Makabubuti ito dahil nakakapag-ehersisyo ako. Salamat sa murang presyo ng printing services sa tapat ng school, nakakatipid ako kahit papaano sa allowance ko. Buti na lang may mainit na inumin sa Star Mart, dumadayo ako doon kapag sa araw ay inaantok ako. At mataluti kong pinagmamasdan ang kapwa ko mga estudyanteng doon ay nagdaraan.

Ngayon ay tatapusin ko na ang pagmumuni-muning ito na kung sa kaayusan ng mga kaisipan ay may mababang grado. Napag-isip-isip kong halos walang kaugnayan sa bawat isa ang magkakatabing pangungusap. Di ko na rin natitiyak kung tama ba ang paggamit ko ng gitling.

Kung sino man ang makabasa nito, patawarin na lang ang mali sa aking balarila. Ganito marahil ang epekto ng may hangin ang ulo!



Leave a Comment