08.26.06

kamusta na ba ako?

Posted in Journal at 8:28 am by erald17

this entry goes out to the people that miss me… dun sa mga kinukumusta ako…

first, pasensya na po kasi hindi ako masyado nagrereply [or di na talaga :(] sa messages, letters and all. aside from being busy, nakakapagod rin yung schedule namin kasi gabing-gabi na ako nakakauwi. pagdating ko sa bahay, konti na lang time ko gumawa ng school works, etc kasi pagod na. though i sometimes manage to stay up late to do anything worthwhile for me. like writing, writing, and writing anything. because of that, i’m feeling better, and nakakacomply pa ako sa assignments sa pub. at least sa literary. o kaya sa assignment sa sarili ko. like writing in my diary. and reading something i find interesting. as of now, malimit ko buklatin yung the road less traveled ni m.scott peck. the topics there… serendipity, grace, discipline, commitment, etc. okay lang kahit di ko kaagad sya matapos basahin kasi marami nga kailangan gawin. a few minutes in a day is helpful enough.

sa school naman, no problem with my classmates. kung meron mang mali or anuman, di ko na yun pinoproblema.. sayang kasi yung time kung gagamitin lang sa pamomroblema. i tend to divert my attention na lang to the things that help and satisfy me.

sa bahay naman syempre masaya pa rin. lalo na kapag nalalaro ko yung bunso namin. haay, nakakawala ng stress. pero minsan natutulog na sya pagdating ko, kaya sad ako kapag di ko kaagad naibigay yung pasalubong. pero sad pa rin lalo kasi ilang minutes lang ata yung time na nalalaan ko para sa baby namin kasi nga dami ginagawa kahit dito sa bahay.

yung cellphone ko nga pala di ko muna ginagamit. wala syang load and hindi ko rin sya dinadala sa school. may ilang reasons kung bakit. una, for security purposes. lagi ako may alalahanin kapag dala ko yung phone ko, di ako makakilos nang kumportable kapag lumalabas kasi baka maya-maya manakaw. second, time saver. marami rin akong natitipid na oras kapag di ko dala. kasi sa halip na tingnan ko sya from time to time, ibang bagay na lang yung kukunin ko sa bag. nababaling yung attention ko sa ibang bagay maliban sa cellphone. dinadaan ko na lang sa pagbabasa ng notes or pakikipagkwentuhan sa friends kapag break time. third, pagtitipid. kung kaya din lang mag-agwanta, mabuti na yung magtipid sa mga bagay na hindi naman masyado mahalaga. magastos maging estudyante. bawat galaw, labas ang pera. wala pa ‘tong gimik at pamamaraka pero ang allowance mabilis maubos. maraming pinagkakagastusan. marami talaga kaya di ko na iisa-isahin alam nyo na yon fellow studs. fourth, challenge. lately, natututunan ko mag-isip ng alternative ways para makasurvive without my phone. kung emergency, nakikitext na lang ako lagi namang may nakaunlimited. or kung wala man, mababait naman yung mga people na naeencounter ko kaya di naman ipinagdadamot ang P0.90. or less. kung may maghanap or mangailangan man sa akin, madali naman ako mahagilap. don lang kalimitan sa CM Bldg., 2nd floor ako makikita.

basically i am doing fine naman… thanks to God.

i hope you are not thinking na nakakalimot na ako. nope… why will i try to forget you people?

it’s just that eto nga busy-busyhan sa buhay.

sige na po, good night na.. next time ulit.



1 Comment »

  1.    Celine said,

    August 29, 2006 at 3:51 am

    yupp.. ur ryt!!.. =) ok lng un.. onga eh, kami rin, gabi na nakakauwi.. biruin mo, 8 35 ang latest naming dismissal.. anyways, thanks pa rin for all!!

Leave a Comment