09.01.06
reasons people would hate me
1) MUKHANG SUPLADA. yeah, definitely. ako yung klase ng girl na kapag naglalakad eh parang nasa kalawakang walang nakapaligid na tao, malayo ang tingin, parang walang kilala. pero subukan nyo lang na batiin ako, malalaman nyo kung anong meron ako
2) KURIPOT. syempre naman ano, wala pa akong sariling trabaho, di ko pera yung ginagastos ko
3) MASYADONG SERYOSO. malimit, ako yung huling tumatawa sa grupo, yung huling nakikisakay sa biruan
4) ALOOF. di ako mahilig sumama sa gimikan, or sa ibang gatherings
5) SOBRANG MASEKRETO.lalo na pagdating sa mga crush and the like, wala kayo maririnig na confession from me
6) LATE. maraming times na late ako dumarating…
7) MATAGAL MALIGO. yun ang unang inerereklamo saken ng mother ko, parang wala akong kasunod kapag gumagamit ng cr
MATAGAL MAGBIHIS. bago na makaalis ng bahay. dapat kumpleto lahat ang dala, walang nakalimutan. see also # 6
9) MABILIS MAGLAKAD. maliban kapag uwian, mas gusto ko mag-isa ako na maglalakad, papunta sa room, sa office or kung saan man. kasi may tendency na mang-iwan ako kapag mabagal maglakad ang kasama ko
10) MASYADONG TAHIMIK. minsan oo, di nila alam kung ano na nasa isip ko. palaisip lang talaga kaya ganon
11) MUKHANG MATARAY. magagawa ko kung hindi maamo ang mukha ko. tsaka gusto ko talaga magmukhang suplada (see also # 1). yung tipong suplada tingnan, pero kapag nakilala mo na, malalaman mong gentle lady pala at napaka-approachable
12) MOODY. minsan ganto, minsan ganon. as in, sobra
13) CHANGEABLE. paiba-iba sa maraming bagay, kung anong matyempuhan gawin, yun. kung anong maisipan, sige. pero hindi sa lahat ng bagay

Edel said,
September 1, 2006 at 1:35 pm
wow! ate esme! meron pala tayo similarities…hehehe…i miss you na…tagal kasi nating di nagkita noon eh…ingat na lang kaw palagi..
mArK said,
October 4, 2006 at 8:34 am
definitely those are reasons why people hate someone,i concede to that… but you place an entity that wasnt suppose to be in the list, ur being CHANGEABLE,it just means that ur open minded and flexible… i just hope i could be one of the persons that shall create a positive change in you…