01.03.07
Posted in Journal at 10:54 am by erald17
There are times as this when i feel like wanting to escape out of this world, to disappear as if nothing had happened, to lose my senses and feel numb, to vanish as if i had never lived. There are times as these when i feel like wanting to become a stranger to everyone, where no one cares, no one takes a glimpse nor stares, no one to turn to me when they hear me scream, no one to wonder why i am like this. Sometimes i just want to escape, to disappear, to run away.
Permalink
01.01.07
Posted in Journal at 9:14 pm by erald17
Pauwi kami kanina galing balayan. sa daan pabalik, napansin ko ang tarpaulin sa harapan ng eternal garden. hindi ko lubos na matiyak kung isang promotion ang inihahatid ng tarpaulin na iyon. may diskwento ata para sa magpapalibing sa araw ng mga patay. pero sigurado ako na may isang bagay akong napag-isip noong mamasdan ko ang tarangkahan ng libingang ito at mabasa ang mga kataga sa promotion na iyon. "ang tao nga naman, kamatayan rin ang tungo." at kaalinsabay nito’y napatanong ako, "ano kayang magagawa ng tao upang maging makabuluhan ang buhay nya sa mundo?" lalo pa na lubhang napakaikli ng panahong iyon. death comes sooner than we expect, ika nga. pero bakit halos lahat ng tao hinahangad na mag-impok ng mga bagay na hindi naman nila madadala sa hukay? naghihirap sila at isinasakripisyo ang sariling kaligayahan para magkaroon ng magandang kinabukasan, kung hindi man sila ay ang kanilang mahal sa buhay. at ang masaklap, isang araw mababalitaan mo na lang na kinuha na pala ni kamatayan ang mga taong ito. marahil napakaraming kaluluwa ang naghahangad na maibalik ang buhay nila sa mundo na may pagnanasang, "sana nagawa ko ito noong nabubuhay pa ako sa mundo." o kaya "sana ay mas nilasap ko ang mga pagkakataong kasama ko ang mga tao na nakakapagpasaya sa akin."
life is ironic, they say. i don’t think so. life isn’t ironic, perhaps people are.
this is so when people fail to ask themselves what they really want. or what can make them happy. or if they have asked themselves those questions, perhaps it is the answer they give that is wrong. masaya ka sa pera? sige, subukan natin, magpayaman ka. tingnan natin kung sasaya ka nga. masaya ka sa malaking bahay, malapad na lupa? sige, subukan natin, bumili ka, magpatayo ka. tingnan natin kung makakatulog ka nang mahimbing. masaya ka sa mamahaling damit? sige, subukan natin, bumili ka, magpatahi ka, magsuot ka. tingnan natin kung masaya kang maraming tao ang maiinggit sayo. masaya ka sa kapangyarihan? sige, subukan natin, magpakagaling ka, manghikayat ka, papaniwalain at pasunudin mo sila. tingnan natin kung matutuwa kang marumi ang pangalan mo sa tingin ng iba at may ilang naghahangad kitilin ang buhay mo.
paano kung hindi mo makuha lahat ng hinahangad mo, wala ka na bang karapatang maging masaya?
it is not always the destination that matters much, sometimes it is the journey. kung papaano kang makararating sa mga pinapangarap mo. kung ano ang pinagdadaanan mo para makamit ito. kung paano ka magpahalaga sa kung anong mayroon ka habang pinagsisikapan at ipinagdadasal ang mga bagay na wala pa sa iyo.
Permalink