04.10.07
passion
pain is sweet and hardship is easy when you love what you do
smile at life, you can’t have it all but at least you are given a few things that you can treat YOURS.
some things are meant to be remembered, others to be forgotten.
pain is sweet and hardship is easy when you love what you do
smile at life, you can’t have it all but at least you are given a few things that you can treat YOURS.
or rather "things i would want to learn soon"
>Forever is not time; it’s a situation.
>Enjoy life but set limitations.
>Everything that happens once may never happen again. But everything that happens twice will surely happen the third time. - Arab proverb
>Never love if you’re not prepared to get hurt.
>Never start if you don’t have plans to finish.
>Never speak if you don’t mean it!
>Never use someone to move on.
Learn to stop when you see RED. It means you are bleeding. - darkMau
(to be continued… hopefully)
is this a coincidence or what?
minsan lang ako manood ng tv. twice a month, pwede na:) so i didn’t know what brought me to the front of the t.v. set tonight. perhaps it was my late dinner; i had to watch the show with my mom while eating my meal. tonight’s Maalaala Mo Kaya caught my attention. i noticed it was a love story between office mates. i didn’t expect that i would be interested. it never came into my mind that i would be keeping an eye on it. i even entered my room to go online rather than keep watch of the show. but when i was about to sign in, i left my desk and went to the living room with the decision to finish the show.
great.
i don’t have to talk about the story. i’d rather focus on the lesson i had learned tonight.
_____________________________________________________________
"ipinaglaban mo ba tayo? nagmahal ka lang naman ah. hindi naman mali yon. wala ka namang ginagawang masama. hindi kita pipigilan kung piliin mo ang pamilya mo kasi mahal kita. pero sana dumating ang araw na ipaglaban mo kung ano ang nararamdaman mo."
_____________________________________________________________
"oo, naniniwala ako sa soulmate. nagmahal din ako, pero bigla na lang sya nawala. kasi pinakinggan ko ang gusto ng iba para sakin, na tapusin ko muna ang pag-aaral ko. nainip sya. kaya ito tumanda ako sa kakahintay sa kanya. tayo ang gumagawa ng sarili nating kapalaran. dapat pala, kapag natagpuan mo na ang soulmate mo, gagawa ka ng paraan para hindi kayo magkalayo."
_____________________________________________________________
it was so strange. the story is entitled "traffic light".
i just love non-fiction stories. swear.
or rather what to do when you can’t do what you want to do ’cause you’re helpless, unequipped…
blog ang takbuhan ko sa mga sandaling di ko magawa ang mga bagay na gusto kong gawin… ganon din naman kung may isang mithiin akong nabigyang katuparan, blog ang makikinig sa taos-pusong pasasalamat na aking nararamdaman.
bakit blog? pwede naman doon ako magsulat sa aking diary na ipinagkakatago-tago ko sa lihim na bahagi ng aking silid at walang ibang nakababasa kundi ako. marahil ay dahil napapagod na ako na sarilihin ang mga bagay na nangyayari sa loob ng aking sarili. ngunit sa bagay, ang blog naman ay hindi nangangahulugan ng mababasa na ito ng mga taong nakapaligid sa akin. marahil mababasa. ng isa. dalawa. pasalamat pa nga ako kung mauunawaan o may mapupulot dito ang isa o dalawang babasa nito.
malaking abala din ang naiibigay ng pag-a-update kong ito sa mga friends ko kasi yung iba siguro ay sabik na sabik magbukas ng e-mail para makita lang ang message na "em has updated her friendster blog." bale wala.
pero sa bagay, hindi ko naman hinahangad na merong magbasa nito. kaligayahan ko na ang makita na naisatitik ko ang mga saloobin at kaisipang tapat na namutawi sa aking utak at kalooban.
at isa pa, wala naman akong pakialam sa sasabihin ng iba. aba teka, ang sarap palang pakinggan ng pangungusap na yon, "wala naman akong pakialam sa sasabihin ng iba." gaano katotoo ito?
kung mahirap magtiwala sa kapwa, kung pagkaminsa’y higit na mahirap pagtiwalaan ang sarili. lalo na kung ang sarili mo’y napamumunuan ng mga batas, panuntunan, prinsipyo, teorya, at kung anu-ano pang nakapagtatakang "katotohonan" na dapat mong sundin. dapat. kailangan. pero bakit kailangang sundin?
nakatutuwa makita, marinig ang maraming taong nagbabansag sa kanilang sarili bilang non-conformist. subalit gaano katotoo ito?
sa pagmamasid ko sa pang-araw-araw na takbo ng buhay, marami pa ring tao ang nagiging alipin. isa na ako don. isa na ba ako don?…….
nakakasawa magsulat na lagi na lang may isinasaalang-alang na porma at estilo. pero minsa’y nagsisilbi nga itong "challenge" kung papaano mo mapalalabas ang tunay na timpla ng iyong panulat sa paraang kalugud-lugod o sa paraang sabi nila ay istandard at umaayon sa wastong panuntunan.
isang blog description na mula nang mabasa ko’y di na umalis sa aking mutawi, "In three words, I can sum up what I have learned about life. It goes on."
it goes on… salita ng taong may katatagan. sa kabilang banda, salita rin ng taong nagpapadala sa buhay. mas pipiliin ko ang kabaliktaran, "taong nagdadala sa buhay."
to rephrase, "life is mysterious, but i will carry on."
Siguro kung maiisip lang ng tao ang kahulugan ng sakripisyo ay mas pahahalagahan nila ang salitang "pag-ibig".