06.05.07

araw ni cupid

Posted in Womanhood at 1:26 am by erald17

Cupid
"Napakamapaglaro nga naman ng pagkakataon." Yan ay isa sa mga sinabi nina Ate Jen at Sir Mike.
Akalain nyo nga namang naging counseling office ang SAO at DO. Well that’s just a proof na meron ka palang matatakbuhan na mga tao na akala mo ay kapag usapang school activities mo lang makakausap.

JUNE 4, 2007 - natuto din ako magtanda ng date. Di kasi ako talaga senti at tipong tatandaan bawat date ng memorable events.
Indeed it is one of the most memorable days of my life. Di ko nga inaasahan na mapapaiyak ako ng dalawang ‘to. If I am not mistaken, that was my first time to shed tears in school.
They didn’t know the whole story, yet they knew exactly where to strike. And I must admit, naliwanagan naman ako. Naliwanagan ako sa ginagawa kong pagbubulag-bulagan.
Ouch talaga. As in.

Hanggang ngayon nauulit ko yung statements, "Alam ko kung ano ang dapat kong gawin. Alam ko kung sino ang taong lalapitan ko. Yun nga lang sa ngayon wala pa akong pagkuhanan ng lakas ng loob."

Bull’s eye!

At ang pamatay na banat ni Nice, "Wag mong piliting tumawa."

To Ate Jen, thanks talaga sa araw na yon. Mula pagkarating ko sa school hanggang sa pagkasakay ko pauwi. You know what you did? Nagawa mo i-share yung strength na meron ka. Oo nga ano, wala naman ibang magtutuloy ng laban, AKO lang. Wala naman nagsabi na madali. "Haaay…" Matututunan ko na rin mag monologue. That would be nice. :)

Sir Mike, nasapol nyo yun ah. Yung Present vs. Future. At yung line na wala nang sabi sabi pa, "Mahal mo eh." Present lang yung hawak natin, yung meron tayo. Pano haharapin ang future kung hindi unahin harapin ang ngayon?

Ate Jen, naniniwala rin ako na may mga tao na sayo sana pero napapakawalan, may mga pagkakataon na dumadaan pero napapalampas. At kapag nangyari yun, wala ka magagawa kundi tanggapin na nakawala at nakalagpas sya. Sad di ba, pero you learn your lesson. Sad pa rin di ba kasi the lesson is learned at the end, kung kailan tapos na. Kaya hangga’t maaari talaga, decide in a manner that you won’t be regretting, at pahalagahan kung ano ang meron ka ngayon.

Isa pa, walang imposible kapag pareho kayong lumalaban at pareho ang ipinaglalaban nyo. :)

Maraming reasons para maging malungkot, pero marami din para maging masaya. One way to start is to change one’s mentality. Be positive. And one must remember na di sya nag-iisa. Maalin man pwede takbuhan at pagkunan ng lakas ang family, boyfriend/girlfriend or friends. Si God, automatic na yun, faith ang kailangan. Ang ganda sana kung okay lahat yung tatlo di ba? Pero bihira lang na okay yun lahat. At least meron ka malalapitan maalin sa tatlo. In my case, isa na lang yung kulang :( Presently, I am feeling hopeless pa dun sa isa, pero hoping against hope na nga, I am still hoping it will be fine soon. In God’s time. For the meantime, I know I have to smile at my life, be thankful for what I have and put my efforts to keep them in my grasp, and keep on moving on. Sir Mike, mahirap talaga kapag ginagawa nating complicated ang ating life. Asa atin naman kung papaano di ba…

_to all my friends, lots of thanks to each of you.
_to my prince, kaya natin ‘to :)



1 Comment »

  1.    -marQ- said,

    June 7, 2007 at 1:28 am

    wahahaha.. emo ka rin esme.. ahahah!! gudluck.. at tlgang si sir mike at ate jen pa huh.. grabe, dami na lasalle pipol na napapasama sa blog mo, di lang s2dents, may prof at mga tao sa SAO at DO!! Animo La Salle!! Hahahah..

Leave a Comment