08.25.07
faq
Nagtataka lang talaga ako. Bakit parang hindi na ako marunong masaktan? Marami na bang salitang naibato saken at kasalanang nagawa saken kaya wala nang dahilan para masaktan pa ako? O kaya ko lang talagang tanggapin lahat ng sakit na dumarating saken? Hindi ko talaga maintindihan. Epekto lang ba ‘to ng vitamins o totoong aktibidad ito ng aking mentalidad? Ang sakit ay hindi ko matawag na sakit nga kasi parang hanggang ideya lang ito saken. At parang hinahanap ko pa ang ako ay masaktan. Pero wala naman akong maramdaman. Kamanhidan ba ito? O pagkasanay lang ng sarili bunga ng mga sakit na naramdaman ko na noon? O baka naman sa totoo ay ayaw kong masaktan kaya ito nga at hinding hindi ako masaktan? Parang ang weirdo naman ng kwento ko, parang ako pa ang naghahanap ng sakit. Kung sa ibang tao, matutuwa pa sila na hindi sila nasasaktan. Haaaay, kayo na ang bahalang umunawa sa inyong sariling pamamaraan.
Salamat!

Rovin Riel said,
August 27, 2007 at 2:13 am
gf, baka nasasaktan ka kaso madaming bagay ang nasa isip mo para magpretend na hindi ka nasaskatan..
ESMERALDA said,
August 27, 2007 at 7:09 am
siguro nga friend… haaayzz.. thanks sa concern