03.24.08

Medals in a Box (Recognition)

Posted in Reflection at 6:35 am by erald17

Medal_1Kung
sa padamihan din lang ng medals, hindi ako pahuhuli. Pero ang mga
medals na yan ay nakakahon. Hindi lang dahil wala pa akong permanenteng
paglalagyan ng lahat nang yan, kundi dahil ayoko din na nakikita ko ang
mga iyan sa tuwi-tuwina.

Sino ang makakalimot sa binitiwang
salita ni Sir L. Alday, "Kung pagkaminsan, hindi na mahalaga ang lahat
ng karangalan mo sa buhay. Walang hihigit na kakontentuhan ang
mararamdaman mo kapag natagpuan mo na ang isang tao na tanggap ka at
mahal ka. Wala kang dapat na patunayan."

Sa buhay na ito ng
walang katapusang pakikibaka, tulad ng maraming tao ay ganoon din naman
ang dala-dalangin ko. Hindi matutumbasan ng kahit ilang medalya ang
buong pusong pagtanggap sa ‘yo kung ano ka pa man, kung ano pa mang
pagkakamali ang nagawa mo, o pagkukulang na mayroon ka.

Marahil
ay doon din masusukat ang tunay na pagmamahal. Iyong handa kang yakapin
ang lahat-lahat tungkol sa isang tao, na hindi tinitingnan ang mga
karangalang natamo niya. Sapagkat, ang tao ay laging higit sa
pagkakasukat sa kanya ng kanyang kapwa. Laging mayroon sa kanyang
kalooban na higit sa nakikita ng iba. Laging may taglay na kakaibang
kagandahan na tanging ang totoong nagmamahal lamang sa kanya ang
nakakakita.

Balang araw, magaganap din sa akin ang pangyayaring
ito: Kasama ko ang taong mahal na mahal ko at sasabihin ko sa kanya,
"Mahal kita. Wala kang dapat patunayan."



3 Comments »

  1.    Hera Rose said,

    March 25, 2008 at 1:24 am

    yung ngyari sakin.. nilagay ni mama sa wall. ngek. pero tinapon nya ung maliliit. *sniff*

    galing nman ni mrs ticman :)
    weeeeeee… hehehe :)

  2.    Hera Rose said,

    March 25, 2008 at 1:40 am

    ay hala…may kaydet girl song pala sa imeem?:) kakatuwa. :)

  3.    Zuriel said,

    March 29, 2008 at 6:20 am

    waw.. hehe esme.. sana nga makita mo na hinahanap mo.^^

Leave a Comment