06.15.08
Kinda Excited to be back to school
Namiss ko sa lahat ang pagsusulat nang mahaba sa yellow paper, outlining at memorization mnemonics. Namiss ko rin ang minsang nakakaboring na classes na minsan mas inatupag ko pang itext ang orgmates and other affiliations kesa makinig sa prof na nagbabasa ng textbook. Oopps, minsan lang naman… defensive kaagad hehe. Pero yun naman ang totoo.
Namiss ko rin ang pagbabasa ang mahahabang paragraphs sa law books ko habang nasa bus byahe papuntang school. At ang madugong pagsasagot ng essay questionnaires sa ordinaryong quizzes and major exams. Sa totoo lang minsan mas mahirap pa ang questions sa seatwork or quizzes kesa sa midterm and final exams.
Namiss ko din ang pagka-cramming ng homeworks na minsan di naman ginegrade-an, for advance study purposes lang. At syempre ang di malilimutang pagpaprocess ng org papers at ang pagpabalik-balik sa CMR.
Nakakamiss din ang makapigil-hiningang paghohold ng iba’t ibang offices tuwing kuhanan ng grades para sa mga requirements na dapat isubmit. Oh lala, wala naman ako masyado natututunan don. Hmm, I do hope to create some fun this time. Oh well, well, well.
Higit sa lahat, namiss ko ang pag-iisa… pag-iisa sa pakikipaglaban kung ano ang tama. Oo minsan nararamdaman ko na mag-isa lang ako lumalaban para don. Pero di naman maitatanggi na may pagkakataon na may kasama din ako. Pero iilan lang sila. Masaya na rin ako, kasi kahit iilan sila, naging malakas naman ang power nila. Lalo na ngayon. At lalo na ngayon na dumadami na sila. Team rocket, yahoo!
Iilan man sila, dumadami na sila ngayon, mga taong dahilan kung bakit may dahilan ako para pumasok sa school at danasin ang buhay, ang isang parte ng aking buhay. Maliit man o malaki, pilit kong ginagawang makahulugan. Mahirap man o madali, pilit kong itinutuloy.
INTERLUDE: by Manny Pacquiao
"Para sa ‘yo ang laban na ‘to…
Para sa ‘yo ang laban na ‘to… oohh…
Hindi ako susuko, isisigaw ko sa mundo,
Para sa ‘yo ang laban na ‘to…"
Haay…… madami sadyang pagsubok, hindi madali ang lahat. Salamat sa tinatawag nilang monologue. Eto ang halimbawa.
Pero ayos lang, darating ang araw, may makakausap din ako. Itatak nyo yan sa bato!
Ika nga ng huling salita ng Teatro, "Sasamahan ko kayong buuin… ang nasirang pangarap…"![]()
