12.14.08

Ano ba talaga ang SG?

Posted in Politics at 4:31 pm by erald17

Walong buwan. Ganyan na ako katagal sa SG. Maraming bagay akong natutunan at marami pa rin namang mga bagay na dapat ko pang matutunan. Sa ilang buwan na ipinamalagi ko dito, di ko maitatanggi ang katotohanan na maraming pagkakataon na nakalimutan ko ang aking tunay na sarili. Oo, tulad ng inaasahan ko bago ako pumasok dito, may mga bagay talagang kahit ayaw ko ay mapipilitan at mapipilitan kong kaharapin. Oo, talagang pinarusahan ako nito sa maraming paraan. Maging ang aking konsensya na matalik kong kaibigan ay makailang beses ko din na binalewala ang tawag. Maging ang mga bagay na natutunan ko sa pag­-aaral ng buhay ni Kristo ay ilang saglit naging tanong sa akin. Marami. Maraming marami. Mga bagay na sadyang labag sa mga prinsipyong pinanghahawakan ko bilang tao, indibidwal at mag­-aaral. Noong nadoon ako, di ko lubusang maramdaman na ako ang taong pinagkatiwalaan ng boto ng mga mag­-aaral. Bakit? Dahil kahit may Student Government, kahit may presidente, kahit anong gawin ko, ang nasusunod pa rin palagi ay ang nasa taas. Minsan nga naisip ko pa na kahit walang Student Government, tatakbo naman ang eskwelahan. Oo. Tatakbo. Tatakbo lang. At palaging sa paraang di lubos na kasiya-siya sa pagkatao ng bawat mag-aaral. Di ko lubos inaasahan na ganoon kasaklap ang magiging buhay ko sa SG. Ang tanging bagay na nga lamang na hndi ko dapat malimutan ay ang snabi NYA sa akin “Marami kang matututunan dyan.” Tama nga. Nalaman ko na madumi, talagang madumi ang politika. Ngunit ngayon kaya ako nagkaroon ng lakas ng loob na sumulat nito sa kadahilanang sa kabila ng lahat ­ng nakabangga ko - ng nakatapat ko - bagay na ngayon ko lang naranasan sa buong buhay ko, napagtanto ko na may pagkakataong napakalakas ng sistema. Nilalamon nito ang prinsipyo at pagiging matuwid ng isang tao. Maraming pagkakataon na sinubok ako. Maraming pagkakataon na malapit na akong magpadala sa takbo ng utak ng mga taong nakasalamuha ko – mga taong nakapinid ang utak sa nangyayari sa meeting ngunit hindi nararamdaman ang tunay na damdamin ng mga mag-aaral. Mga taong kung pakinggan man ang boses ng mag-aaral, ay tanging pakikinig na nga lamang ang gagawin. Ngunit pinilit kong huwag tuluyang lamunin ako ng sistema. At bahagya’y inilayo ko ang aking sarili sa gobyerno upang di ko makalimutan na ako ay estudyanteng nasa labas pa rin ng gobyerno at patuloy na tumitingin sa kung ano ang nangyayari sa loob nito. Patuloy pa ring nagrereklamo dahil napatunayan ko sa mismo kong sarili na kaawa­-awa ang buhay namin sa loob ng paaralan. Alam ko na maraming magagalit sa ginagawa kong ito, pero ito lang ang naisip kong paraan upang manumbalik sa dating tao kung ano ako noon – ang taong pinagkatiwalaan ng boto ng mga mag­-aaral. Kung ipopost ko ito sa tinatawag naming Freedom & Responsibility Board, malamang wala pang ilang minuto ay ipapatawag na ako sa Discipline Office at paparusahan ng suspension or expulsion, dismissal or non­-readmission. Dahil sa aming paaralan, walang freedom of expression. Kahit ang student publication ay hindi pa rin lubusang malaya sa paglalathala ng lahat ng nangyayari sa loob ng paaralan. Maging ang mga dean ay walang boses dahil ang vcar pa rin ang masusunod. Wala naman talagang independence at autonomy ang mga mag­-aaral kahit may tinatawag na Student Government. Ngayon lang ako nakakita ng paaralan na di lubusang nagtitiwala sa mga mag­-aaral. Na sa lahat ng pagkakataon ay maaari itong tumakas o lumabag sa polisiya ng pag-aaral. Kasi nga, nagdudusa ang administrasyon sa pagpapasunod sa mga mag-aaral bunga ng bungi­-bungi at ningas-kugon na sistema.

Marami, marami talaga akong hinanakit sa paaralan. Di ko ba alam, pare-pareho na ata kaming mga bulag. Pilit na nag-aasam ng disiplina sa mga mag-aaral ngunit kulang sa pamamaraan kung paano makakamit ito. Kung pagbutihin mo naman, pagpepyestahan ka ng paaralan dahil ikaw daw ay “pride” nito. Maraming mag-eenrol sa paaralan kasi Champion ka o kaya artista ka na. Eh bakit? Di ko naman sa kanila natutunan ang galing na iyon. Baon ko iyon mula sa pinanggalingan kong paaralan noong high school at elementary.

Sa paaralan namin, magaling lang ang pinapansin. Pag di ka magaling, pag di ka magaling mambola, di ka papasa. Nasa ‘yo na lamang kung kaya ng sikmura mo ang kalakaran. Ako, hindi. Hindi talaga. Kahit saan sukatin, mahusay ang paaralan na gumagalang sa pagiging totoo ng bawat miyembro nito.

Marami akong plano para sa mga kabataang Lasalyano, pero di sapat ang isang taon para mapag-aralan ang takbo ng sistema. Kung pwede lang na ako ulit ang presidente sa sunod na taon? Wag na. Ganoon at ganoon pa rin iyan. Kaya marahil, ang maipapayo ko sa kapwa ko mag-aaral ay hanapin nila ang kanilang sarili. Hanapin ang lugar kung saan makapagdudulot sila ng pagbabago. Kesa igugol ang panahon sa walang kapararakang bagay na pakikiharap sa vcar na magsasabing kahit anong gawin natin ay hindi natin mapapantayan ang galing ng pinakamagaling “daw” na unibersidad sa Pilipinas. Siya ay huwag makalapit-lapit sa akin, sa darating na araw na mas mahusay na ako kesa sa mga iskolar ng bayan na ipinagmamalaki niya.



2 Comments »

  1.    L.A. said,

    December 24, 2008 at 12:51 pm

    Your position in the Student Government was not by chance nor by luck!

    If you would recall how we challenged the system of elections before and running only with a VP in your team is already a manifestation of the failure of how accountability and transparency have been blinded by apathy and subordination.

    It’s good that you step back and introspect. A leader that has no moral sense is worse than a government with no one leading it. Christ, Himself, had stepped back more than once but He knew that He never lost the struggle.

    Your institution might run without a student government but I could not even imagine how it would affect the few students who believed in associations, collective efforts for the students and to those who believed that there might be CHANGE in a disabling community. STAY FIRM FOR THEM.

    I would be watching the eyes of the administration pop out if there was something like this in the Freedom and Responsibility Board. It could have been a shocker! Esme, don’t be afraid to be deviant! I was once deviant to what an abusive school can do to its stakeholders, how a corrupt president would want to do a ‘corporate’ touch to a state university. At first, you might want to step back, but when you hear other students’ response, all you need was just a little push for that radical change that you opted for. Afterwards, empower your ranks. There is no greater force than like-minded people working to one end in mind.

    Do not let your struggle be the toxin that would stain the next few months of your term. You still have it and students still believe in check and balance and the role of the student government and the council of student organizations.

    Your student government is no different to other institutions. They also feel pain, sick with the system yet not succumbed to it and continue to survive.

    UP??! I never thought that there was monopoly of thoughts! VCAR should know better or was the system too abusive it corrupted her mind too??

    You still have time to create space. As long as there would be thoughts on this, that space shall continue to grow. According to Beuchner, where your deepest gladness and the world’s hunger meet, is the place where God calls you.

  2.    nikka said,

    February 10, 2009 at 11:55 pm

    I agree with you, Esme :)

Leave a Comment