10.03.09

Kabalintunaan

Posted in Life at 1:43 am by erald17

Ako ang taong maaaring gustong takasan o balikan ang nakalipas.
Alalahanin o kalimutan ang nakaraan.
Mahalin o kagalitan ang taong naging bahagi ng nakaraan.
At ngayon maaaring nasasaktan o nasisiyahan.
Nagluluksa o nagdiriwang.
Nadudurog o nabubuo.
Namamalagi o lumilipas.
Lumalaban o sumusuko.
Hinaharap o tinatakasan ang katotohanan.
Nananaginip o binabangunot.
Namamatay o nabubuhay.



Leave a Comment